Pagsasanay sa System of Rice Intensification ng DAR inilunsad sa Marinduque



BOAC, Marinduque (PIA) -- Mahigit 50 miyemro ng Agrarian Reform Beneficiary Organization o ARBO mula sa Bintakay Farmers Association ang dumalo sa dalawang araw na pagsasanay hinggil sa System of Rice Intensification (SRI) na inilunsad ng Department of Agrarian Reform (DAR- Marinduque, sa ilalim ng Climate Resiliency Farm Productivity Support Project (CRFPSP). 

Sa pangunguna ng resource speaker mula sa AGREA na si Jonathan Quinto, tinalakay ang  climate-smart at agroecological methodology kung paano mapatataas ang produksyon ng irrigated na palay at iba pang pananim  sa pamamagitan ng pagbabago sa pamamahala ng mga halaman, lupa, tubig, at nutrients na inilalagay dito. 

Kabilang sa mga aktibidad na saklaw ng programa ang isa at kalahating araw na lecture o workshop at ang aktwal na paghahanda ng mga organikong pataba at pestisidyo, gayundin ang kalahating araw ng actual na aplikasyon sa sakahan na nakatuon sa paraan ng pagtatanim ng palay. (MPNJR/PIA Marinduque)
Pagsasanay sa System of Rice Intensification ng DAR inilunsad sa Marinduque Pagsasanay sa System of Rice Intensification ng DAR inilunsad sa Marinduque Reviewed by Macario P. Nardo, Jr. on November 18, 2021 Rating: 5

No comments:

ads 728x90 B
Powered by Blogger.