Results for SITREP

Livelihood kits, ipinamahagi ng DTI sa mga MSME sa Marinduque

December 16, 2021


SANTA CRUZ, Marinduque (PIA) -- Sa ilalim ng Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) na programa ng Department of Trade and Industry (DTI)-Marinduque,  naigawad sa mga benepisyaryo mula sa limang bayan ng lalawigan ang mga livelihood kits at iba pang benepisyong hatid ng kanilang tanggapan.

Nauna nang napagkalooban ng nasabing programa ang 10 sari-sari store owners; isang food cart owner; at isang hog farmer mula sa bayan ng Mogpog.

Samantala, 15 may-ari ng sari-sari store at dalawang hog farmer naman ang nakatanggap sa munisipalidad ng Buenavista.

Bukod dito, 10 sari-sari store owners sa Torrijos, habang kabuuang 34 ang nakatanggap sa mga bayan ng Santa Cruz at Gasan.

Kamakailan lamang, 41 benepisyaryo naman mula sa bayan ng Boac ang nabiyayaan ng naturang livelihood kits.

Ang paggagawad ay ginanap sa limang munisipalidad sa Marinduque na pinangunahan ni Joel Valera, regional director ng DTI-Mimaropa na personal na bumisita sa probinsya.

"Ito pong mga livelihood kits na ito ay talagang makatutulong sa inyo sapagkat naglalaman ito ng mga produktong pandagdag sa inyong mga tindahan para makabangon at magpatuloy ang inyong mga negosyo," ani Valera.

Layon ng nasabing programa na maging tulay sa mas malawak na pag-abot ng tulong sa pagpapaunlad ng negosyo sa pamamagitan ng paglalapit sa mga serbisyo ng pamahalaan sa mga tao sa pagtutulungan ng LGU at mga opisyal ng DTI. (RAMJR/ENSJR/ PIA MIMAROPA)

Livelihood kits, ipinamahagi ng DTI sa mga MSME sa Marinduque Livelihood kits, ipinamahagi ng DTI sa mga MSME sa Marinduque Reviewed by Macario P. Nardo, Jr. on December 16, 2021 Rating: 5

IMPLAN K5 orientation at panunumpa ng mga miyembro nito, ginanap sa Mogpog

November 23, 2021


BOAC, Marinduque (PIA) -- Isang oryentasyon hinggil sa Kalalakihan Kontra Karahasan sa Kababaihan at Kabataan o (IMPLAN K5) sa Barangay Magapua, Mogpog ang isinagawa, kamakailan.

Ito ay sa pangunguna nina Police Chief Master Sergeant Violeta  Rioflorido, Asst. PCR PNCO Pat Reinan Ilagan, katuwang ang tagapagsalita ng Gender and Development na si  Ron Ron Livelo.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang Republic Act No. 9262, mas kilala bilang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 gayundin ang RA No. 8353 at RA No. 7610 na dinaluhan ng mga kalalakihang residente ng nasabing barangay, upang maiwasan ang karahasan laban sa kababaihan at mga bata sa lugar na nabanggit. (MPNJR/PIA Marinduque)

IMPLAN K5 orientation at panunumpa ng mga miyembro nito, ginanap sa Mogpog IMPLAN K5 orientation at panunumpa ng mga miyembro nito, ginanap sa Mogpog  Reviewed by Macario P. Nardo, Jr. on November 23, 2021 Rating: 5

Pagsasanay sa System of Rice Intensification ng DAR inilunsad sa Marinduque

November 18, 2021


BOAC, Marinduque (PIA) -- Mahigit 50 miyemro ng Agrarian Reform Beneficiary Organization o ARBO mula sa Bintakay Farmers Association ang dumalo sa dalawang araw na pagsasanay hinggil sa System of Rice Intensification (SRI) na inilunsad ng Department of Agrarian Reform (DAR- Marinduque, sa ilalim ng Climate Resiliency Farm Productivity Support Project (CRFPSP). 

Sa pangunguna ng resource speaker mula sa AGREA na si Jonathan Quinto, tinalakay ang  climate-smart at agroecological methodology kung paano mapatataas ang produksyon ng irrigated na palay at iba pang pananim  sa pamamagitan ng pagbabago sa pamamahala ng mga halaman, lupa, tubig, at nutrients na inilalagay dito. 

Kabilang sa mga aktibidad na saklaw ng programa ang isa at kalahating araw na lecture o workshop at ang aktwal na paghahanda ng mga organikong pataba at pestisidyo, gayundin ang kalahating araw ng actual na aplikasyon sa sakahan na nakatuon sa paraan ng pagtatanim ng palay. (MPNJR/PIA Marinduque)
Pagsasanay sa System of Rice Intensification ng DAR inilunsad sa Marinduque Pagsasanay sa System of Rice Intensification ng DAR inilunsad sa Marinduque Reviewed by Macario P. Nardo, Jr. on November 18, 2021 Rating: 5

Mga tanod sa Santa Cruz, tumanggap ng mga kagamitang panseguridad

November 18, 2021


Tumanggap ang mga Barangay Tanod ng District 3 at District 4 ng iba't ibang kagamitang makatutulong sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa mga barangay sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque.

Ayon kay Mayor Antonio Uy, Jr. kabilang sa mga kagamitang ipinamahagi ay hand book, arnis stick, vest at posas.

Dagdag pa ni Uy, personal n'yang sasadyain ang ibang distrito upang iabot naman sa iba pang mga tanod ng pamayanan ang kanilang mga bagong kagamitan.

Mga tanod sa Santa Cruz, tumanggap ng mga kagamitang panseguridad Mga tanod sa Santa Cruz, tumanggap ng mga kagamitang panseguridad Reviewed by PIA-MARINDUQUE on November 18, 2021 Rating: 5
ads 728x90 B
Powered by Blogger.