BOAC, Marinduque (PIA) -- Isang oryentasyon hinggil sa Kalalakihan Kontra Karahasan sa Kababaihan at Kabataan o (IMPLAN K5) sa Barangay Magapua, Mogpog ang isinagawa, kamakailan.
Ito ay sa pangunguna nina Police Chief Master Sergeant Violeta Rioflorido, Asst. PCR PNCO Pat Reinan Ilagan, katuwang ang tagapagsalita ng Gender and Development na si Ron Ron Livelo.
Kabilang sa mga tinalakay ay ang Republic Act No. 9262, mas kilala bilang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 gayundin ang RA No. 8353 at RA No. 7610 na dinaluhan ng mga kalalakihang residente ng nasabing barangay, upang maiwasan ang karahasan laban sa kababaihan at mga bata sa lugar na nabanggit. (MPNJR/PIA Marinduque)
IMPLAN K5 orientation at panunumpa ng mga miyembro nito, ginanap sa Mogpog
Reviewed by Macario P. Nardo, Jr.
on
November 23, 2021
Rating:
No comments: